hindi ko na kaya. i just had to open my old tabulas account para lang may makausap ako at mailabas ko lahat ng gusto kong sabihin at nararamdaman. naiinis ako. nagagalit ako. naiiyak ako. fuck this life. tangina lang. tangina mo din. nauso pa ang pangalan mong hindi naman bagay sayo. para kang tuko na kung makakapit ay parang kuto na hindi basta basta matatanggal. tangina lang talaga.
hindi na naubos ang luha ko. hindi na kinakaya ng puso ko. mas nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganyan. mas sampal sa buong pagkatao ko na mas iniisip mo pa siya kaysa sa akin. fuck. ako ang pinili mo pero di mo siya makalimutan? ano un? edi sana hindi na lang ako ang pinili mo in the first place.
oo, alam ko. nung pinili mo ko decided ka na na hindi mo na siya talaga minahal. naging kayo, lagi kang umiiyak sa kanya. sex na lang ang nakakapagpa-stay sa relasyon niyo. naghiwalay kayo. nagkabalikan. at naghiwalay. at nagkabalikan ulit. at finally, iniwan mo na siya for good. at heto, ako naman si gago. lumapit sayo hoping na may pag-asa ako. hindi na ko nagsasalita. sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. heto ka at lumapit. niyakap mo ko at sinabi mong na-mimiss mo ko.
nagpaka-tanga na naman ako. hindi ko naman naisip na maaaring magkabalikan na naman kayo dahil ganun naman ang nangyayari. isa akong malaking rebound. kahit na sabihin mong hindi ako rebound dahil ako ang mahal mo, fuck. hindi ko na maisip kung ano ang dapat na itawag sakin. kung hindi rebound, isang malaking tanga.
halos 2 buwan na naging tayo na hindi. natatakot akong itanong sayo na kung gusto mong gawing official. dahil alam kong naguguluhan ka. nalilito ka. at gusto mong makasiguradong ako nga ba talaga ang pinili mo. hinayaan lang kita. ako na ang naghintay sayo na ikaw mismo ang magsasabing kung pwedeng tayo na.
and I was patient enough to wait.
heto, at naging tayo. masaya. enjoy. at masarap. ang saya lang ng mga panahong excited kang makita ako. excited kang mareceive ang mga text ko. at gustong gusto mong tumatawag ako sayo. pero ano nangyari? nakipagkita ka sa ex mo ng hindi ko alam.
sinabi mo sakin na pumayag kang makipagkita sa kanya para itama lahat ng pagkakamali at para tapusin na ang lahat. ano ang nangyari? nafeel mong nagbago na siya. na ok lang sa kanya na maging kabit. at naguguilty ka kasi nakakasakit ka ng tao. eh anong tawag mo sakin? hindi mo ba ko sinasaktan? at eto pa, nakuha mo pang makipagsex sa kanya. tangina lang. isa akong malaking gago. nagthank you naman ako dahil naging honest ka. pero pinatawad na kita. at hinihingi mo ngayon sa akin na sana wala na lang para wala kang masasaktan? FUCK. eh ang ibig sabihin lang nun eh mas iniisip mo ang kapakanan niya kaysa sa kin. Shit.
ilang beses na tayong nagusap na wag mo na siyang kausapin. ientertain. o replyan ang mga text. at alam kong kahit ilang beses kong sabihin sayo na wag mo un gawin, ginagawa mo pa rin. gusto mo ng freedom? hala sige, bahala ka. may magagawa ba ako na pigilan ka? eh ni hindi ko nga alam baka nakikipagkita ka pa ulit dun para makipag-sex ng hindi ko alam. malay ko ba!
darating naman ang isang gabi na magddrama ka at iiyak dahil sasabihin mo sakin na hindi ka masaya. na mas pinapasaya ka nung ex mo. na sinasabi mong ayaw mong magcompare. eh takte, lahat ng ginagawa niya, ginagawa ko rin naman. todo effort ako. todo hintay. todo lahat. mas pinapasaya ka nya?
SINO BA TALAGA ANG MAHAL MO?
tapos tatanungin mo kung kaya kitang iwan? layuan? tapos siya hindi pwede? kung makapagselos ka sa mga babaeng nakakausap ko, todo todo tapos ako hindi pwedeng magselos? tapos kapag gagawa ako ng paraan para hindi ka niya maagaw sakin sasabihin mong kinukuha ko sayo ang freedom mo at ayaw mong kausapin ko siya? FUCK.
Galit na Galit ako. Punong puno na ako. Mahal mo pa ba ako? Martyr na ko kung Martyr.
Ngayon, hiniling mo sakin na gusto mo mapag-isa. Sige, mag-isip ka muna. Isipin mo mung kung ano ba talaga ang gusto mo. Kung sino ba talaga ang mahal mo. Kung babalik ka sakin, hindi na kita papakawalan. hindi na kita hahayaang maagaw ng iba. Yun eh kung bumalik ka pa nga.
Sa journal na ito, galit na galit ako. may mga bagay na hindi siguro accurate. may mga bagay siguro na over the line na ko. pero tangina, oo galit na galit ako.
Masyado lang kitang minahal. at Mahal na Mahal pa rin kita.
Pero tanggap ko ang lahat ng ito. Wala ng iba pang makakadagdag ng sakit.
Maghihintay ako.




Ms Leia offered me this for they want to have unlimited shots and at the same time, I get to practice. Thank you Martin Frias for being my assistant for the shoot. Lesson learned, get another assistant and never ever try to touch a broken safety glass! haha! (one of my halogen light's glass was broken). And of course, the ever reliable tracing paper that stand far more superior than a safety glass. 


